Ang Istorya ng History 2 Ko
First year first sem. Block 1-B. History 2. Nakaugalian na sa block namin ang mag-pass around ng little notes sa isa’t isa during class. That time I was sitting at the farthest row. Sa harap ko si Booker. I was uninterested in the subject siguro dahil hapon ang klase at talaga namang nakakantok. Bago lang ang teacher namin nun. I think it was her first time to teach so malamang kabado at nangangapa pa.
I was supposed to pass a note to a friend in the first row. Ipinadaan ko kay Booker. Nakatalikod si ma’am. Sakto pagharap nya ipinapasa ko ang note. Sabi sa note ko “Inaantok ako sa subject na ito. Lagi naman kasing nakaharap sa board ang teacher natin, drawing circles.” Kinuha ni ma’am ang note, binasa ng malakas sa harapan. She asked kung kanino galing. I raised my hand para walang madamay. She said she’d talk to me after class sa faculty room.
I went up with her sa Soc Sci office. Sabi nya mahirap talagang intindihin ang isang bagay kapag sarado ang isip mo para dito. Mahinahon pa rin syang nakipag usap. She asked me to at least try to be patient with the subject. Wala naman akong choice. Tapos na nun ang last day of dropping. I was even ready to receive a singko.
I continued attending the class. I stopped writing notes to friends (well at least sa class lang na yun). Natapos din ang sem. Inihanda ko na ang tenga ko sa litanya ng ate ko. But no, hindi ako singko… pasado ako. J
Admittedly,






















